Mas masarap ang buhay sa Pilipinas kung nakaluluwag ka sa buhay, kesa dito sa Canada.
Sa lahat ng OFW at sa lahat ng nagbabasa ng pahayagang ito, nais ko lang magbahagi ng aking karanasan at buhay dito sa Canada sa kasalukuyan.
Ako po ay isang registered civil engineer sa Pilipinas. Maganda naman ang naging trabaho ko sa Pilipinas pero mas matagal ako nagtrabaho sa abroad, partikular sa Africa at Middle East.
Ako ay isang project engineer sa isa sa pinakamalaking construction companies sa buong mundo.
Wala naman akong naging problema, lahat ay libre, may tagapaglaba at tagaplantsa ng damit. Kakain na lang at matutulog. Sa madaling sabi, bossing ako sa kinalalagyan ko. Pagdating sa sahod, malaki din.
Maganda naman ang buhay ko sa Pinas. Affordable naman, may bahay at lupa, may sasakyan wala na rin akong mahihiling pa.
Dumating ang panahon na may nagyaya na subukan kong mag-migrate sa Canada. Nagdalawang-isip pa ako. Sabi ko sa sarili ko, bakit pa eh maayos naman ang buhay ko sa Pinas.
Dumating na nahikayat din ako. Dumating ako sa Canada at pagkatapos tumuloy ako sa aking pinsan.
Nang mag-aapply na ako sa trabaho sa linya na aking pinag-aralan, I was very disappointed dahil hindi nila recognized ang pinag-aralan ko sa Pinas. Kailangan ko pa palang mag-aral at magkaroon ng certification from Canada.
Kailangan kong mabuhay. Malaki ang gastusin dito. Nagtrabaho ako bilang isang janitor. Biruin mo, naglilinis ako ng kubeta at inuutus-utusan lang ako dito, samantalang bossing ako sa dati kong trabaho.
Hindi ko matanggap habang nagtatrabaho ako pero kailangan kong mabuhay. Naibsan na rin ang sama ng loob ko nang marami na akong nakaibigan na Pinoy na nasa katulad sa sitwasyon ko.
Maganda naman dito, malinis, walang polusyon, mababa ang crime rate, maganda ang palakad ng gobyerno, ‘di tulad sa atin.
Tungkol sa pamumuhay, sa tingin halos lahat ng kikitain mo dito pambayad lang sa bills, sa renta sa bahay at kung anu-ano pa.
Ito ay sa aking pananaw lang at ito ang plano ko kung maganda na rin lang ang buhay n’yo sa Pinas. Sa tingin ko, ‘di mo na kailangan mag-migrate pa sa ibang bansa.
Kung hirap talaga sa buhay, maipapayo ko na umalis talaga sa Pinas kasi walang trabaho sa atin. Dito sa Canada, puhunan lang ang sipag at tiyaga kahit wala kang pinag-aralan.
Dito ay kikita ka ng dollar. Pero ako, uuwi na ako mga dalawang taon na lang, uuwi na ako sa Pinas. Mas masarap ang buhay ko sa Pinas kesa dito.
ITO PO AY AKING PANANAW LANG, HINDI KO PINANGHIHIMASUKAN ANG DESISYON NG IBA.
SALAMAT
PETER
I admire your honesty. Thanks for sharing your thoughts. Iniisip ko subukan mag abroad pero naisip ko mas ok na rin dto sa Pinas kahit panu marami pwede gawin with regards to our profession.
ReplyDelete